Tuesday, December 21, 2010

First Three Stanzas

Nung una kitang makita, sayo ako ay natulala
Akala ko'y ika'y anghel na bumaba bigla sa lupa.
Nang ikaw'y aking lapitan 'di mo 'ko pinapansin,
Ang aking mga ngiti lumilipad lamang sa hangin.

Nagdaan ang mga araw at ikaw ay namimiss ko
Walang ibang hiling kung 'di ikaw'y makatabi ko.
Sana dinggin ng May Kapal ang aking pagdarasal
Na ako'y iyong ibigin kahit na ito ay bawal.

Buksan mo man ang aking puso at aking isipan,
Walang ibang makikita kundi ang iyong pangalan.
'Di man dumating ang panahon na ako'y iyong ibigin.
Asahan mong ikaw pa rin ang aking mamahalin.


To be continued...

No comments: